Umabot na sa anim na katao ang nailigtas sa gumuhong gusali sa Hunan Province, China.
Ayon sa mga otoridad, 18 pa ang na-trap sa loob ng gusali sa Changsha City ang patuloy na hinahanap at 39 ang hindi ma-contact.
Dalawang araw nang naghuhukay ang mga otoridad upang makakita ng survivors.
Sa loob ng gusali matatagpuan ang ilang hotel, apartments at sinehan bago ito gumuho dahil sa malakas na lindol.