Patay ang anim (6) katao habang dalawang iba pa ang dinukot ng mga umatakeng armadong lalaki sa Barangay Piacan bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay Sirawai Police Chief Police Inspector Arnel Neri, kabilang sa nasawi ang isang Cafgu na uanang rumesponde sa paghingi ng tulong ng mga residente sa lugar.
Kabilang din sa nasawi ang limang sibilyan na pawang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.
Habang kinilala naman ang mga binihag na mag-asawang sina Ellen at Roco Rada na naniningil lamang ng utang nang biglang umatake ang mga armadong lalaki.
Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.