Anim (6) katao ang patay sa pag-atake sa dalawang hotel sa kapitolyo ng Somalia na Mogadishu.
Ayon sa reports, posibleng ang Islamist militant group na Al-Shabab ang nasa likod ng naturang pag-atake sa mga hotel ng Wehliya at Siyaad.
Maliban dito, nakapagtala din ng mortar attack sa base ng African Union Force habang nagaganap ang pag-atake sa naturang mga hotel.
Matatandaang tumutulong ang AU sa paglaban ng gobyerno kontra Al-Shabab na bahagi ng teroristang Al-Qaeda.
By Ralph Obina