Patay ang anim (6) katao habang sugatan ang 39 sa naganap na pagsabog na ang target ay ang police headquarters sa Turkey.
Naganap ang pagsabog sa probinsiya ng Diyarbakir.
Ayon sa tanggapan ng gobernador, itinuturong responsable sa pagpapasabog ay ang Kurdistan Worker’s Party.
Sinasabing galing sa isang sasakyan ang pagsabog kung saan may naganap pa na mga barilan matapos ang insidente.
Wala pang grupo ang umako sa nasabing pagpapasabog.
By Mariboy Ysibido