Gumulong na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagbagsak ng isang seaplane sa isang ilog sa Sydney, Australia na ikinasawi ng anim (6).
Bagama’t hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga nasawi dahil sa naturang plane crash, pinaniniwalaan namang dead on the spot dito ang piloto ng nasabing eroplano.
Batay sa paunang imbestigasyon, pabalik na sana ang eroplano sa headquarters nito sa Rose Bay nang bigla na lamang itong bumulusok diretso sa ilog at lumubog.
Sinasabing pagmamay-ari ng Sydney Seaplanes na isang major tourism operator sa lugar na ginagamit para sa sightseeing habang kumakain sa himpapawid.