Patay ang anim katao habang sugatan ang siyam na iba pa matapos ang pagbaha sa Tehran, Iran.
Ayon kay Iranian Red Crescent Chief Pirhossein Kolivand, natabunan ng putik ang mga biktima sa Emamzadeh Davoud.
Noon pang nakaraang linggo binaha sa Tehran matapos ang malakas na pag-ulan kung saan apat na metrong putik ang naipon sa kalsada.
Noong 2019, 76 na katao rin ang nasawi sa Iran dahil sa pagbaha na may halaga ng pinsalang aabot sa 2 billion dollars.