Patay ang anim na indibidwal habang libo-libong ektaryang lupain at sakahan ang nasira sa pagbaha at pagsabog ng bulkan sa Ecuador.
Ayon sa Risk Management Service, bukod sa mga nasawi at sugatan, apektado rin ng pagburoto ng Sangay Volcano ang tinatayang 350,000 katao.
Sa tweet naman ni Ecuadorian President Lenin Moreno, nangako itong tutulong sa mga mamamayang sinalanta ng ash fall at kaliwa’t kanang baha sa kanilang bansa.
Maglalaan din aniya ang pamahalaan ng agricultural loans para sa mga apektadong magsasaka.