Arestado ang 6 katao matapos marekober ng mga otoridad sa mga ito ang nasa P3-milyon na halaga ng shabu kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Emerito Eusebio Jr., 53 anyos; Neil Corpuz, 52 anyos; Menandro Martin, 46 anyos; Nicanor Radores, 40 anyos; Paul Santos, 34 anyos; at Paul John Miranda, 29 Anyos.
Ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos, nadakip ang 6 sa isinagawang joint operation ng mga otoridad kung saan nakuha rin mula sa mga suspek ang isang kalibre kwarenta’y singko na pistol.
Samanatala, nahaharap ang anim sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. —sa panulat ni Mara Valle