Nananatiling positibo sa red tide toxins ang anim na lugar sa bansa.
Kabilang ditto, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang katubigang sakop ng Bataan tulad ng mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal; Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan; katubigang bahagi ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong Irong, San Pedro at Silanga Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar, Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte; at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Nakasaad sa bulletin na ligtas kainin ang mga isda, pusit at alimasag, subalit dapat na linising mabuti ang mga ito at alisin ang hindi kinakaing lamang loob bago lutuin.