Aabot sa anim na milyong katao ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang COVID-19 sa mga bansang sakop ng Europian Union (EU) ayon sa Eurofound study.
Batay sa pag-aaral ng Eurofound, kabilang sa mga nawalan ng trabaho ay ang mga temporary contractors, mga bata at kababaihang manggagawa.
Lumabas rin sa pag-aaral na nakatulong protektahan ang sektor ng paggawa ng mga trabaho gaya ng teleworking , short-time work scheme at iba pang mga trabahong pumalit sa regular na trabaho subalit mas marami anila ang hindi na nakapagtrabaho.
Samantala, patuloy naman aniyang binabantayan at pinagbubuti ng EU ang kabuhayan at kalagayan ng trabaho sa 27 nasasakupang nasyon nito.—sa panulat ni Agustina Nolasco