Ligtas na ang anim na magkakamag-anak na dinukot ng mga armadong lalaki sa Zamboanga del Norte matapos ang isinigawang joint operation ng militar at pulisya.
Kabilang sa mga biktima ay ang mag-asawang sina Elsa at Feliciano Javier kasama ang kanilang 5-buwang gulang na sanggol na si Vincent Javier.
Habang kasama rin sa mga binihag ay ang mag-asawang sina Rica at Junior Javier; at ang 5-taong gulang nilang anak na si Val Javier.
Kuwento ng mga biktima, dinukot sila ng mga armadong lalaki habang nasa farm house ng municipal engineer ng Sirawai na nasa Sitio Maasom, sa barangay San Nicolas noong nakaraang buwan.
Tinukoy naman ng militar ang kidnap-for-ransom group sa pangunguna ng isang “Jamilo Wahab” na siyang responsable sa pagdukot.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung binayaran ng ransom money ang mga kidnapper.
—-