Kinumpirma ng militar ang pagpapalaya ng mga New People’s Army o NPA sa anim na manggagawa na dinukot nila sa San Francisco Quezon.
Ayon kay Lt. Col. Ely Tono, Commander ng 85th Infantry Battalion, ginawa lamang panangga ang mga manggagawa upang makatakas.
Una rito, pinasok ng limampu (50) hanggang animnapung (60) NPA ang isang rancho sa Sitio Tumbaga Barangay Nasalaan sa San Francisco Quezon.
Napag-alaman mula sa militar na ang rancho ay pag-aari ng isang James Murray.
—-