Nagkaisa ang anim na Minority Senator sa pagsusulong ng joint session para matalakay ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao at ang pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus.
Nakasaad sa Senate Resolution Number 390 na sa ngalan ng transparency at accountability sa gobyerno, pagrespeto sa karapatan ng publiko sa mga impormasyon at sa ngalan ng prinsipyo ukol sa checks and balances sa mga sangay ng gobyerno, mahalagang magsagawa ang Senado at Karama ng joint session para madetermina ang constitutional at factual validity ng proklamasyon ng Martial Law.
Layon din nito na maiwasan ang mga pag-abuso sa pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao at masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa Marawi at sa buong Mindanao.
Tumayong author ng naturang resolusyon ang lahat ng Minority Senator na kinabibilangan nina Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes, Risa Hontiveros at Leila de Lima.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno
6 Minority Senators nagkaisa sa pagsulong ng joint session hinggil sa Martial Law sa Mindanao was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882