Aprubado na ng House Ways and Means Committee ang panukalang tapyasan ang Excise Tax sa mga produktong petrolyo.
Alinsunod sa House Bill 10438 ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, sa loob ng anim na buwan ay babawasan o hindi magpapataw ng buwis sa diesel, kerosene at liquified petroleum gas.
Layunin nitong mabawasan ang pasanin ng mga apektadong sektor, lalo ng mga public utility driver, na pinaka-matinding tinamaan ng walang puknat na oil price hike.
Tatapyasan din ang buwis sa low-octane gasoline na ginagamit ng mga tricycle driverat mananatili ang Excise Tax sa 10 pesos sa premium gasoline.
Inaasahan naman ng Kamara na maisusumite ang panukalang batas sa Senado ngayong linggo o sa ika-apat na linggo ng Nobyembre. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Drew Nacino