Sapat na ang anim na buwan para makita ang kakayahan ng isang empleyado para tuluyan itong maregular sa isang trabaho.
Binigyang diin ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III bilang tugon sa panukala ni Probinsyano Ako party-list Representative Jose Bonito Singson, Jr. na gawing dalawang taon mula sa anim na buwan ang probationary period.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na sa anim na buwan ay makikita na ang pag-uugali sa trabaho ng isang empleyado at ito ang pagbabasehan kung tuluyan itong tatanggapin sa kumpanya bilang regular employee.
Malalaman nila kung ano ang working habits mo, ano’ng competence mo at higit sa lahat ‘yung integrity mo, so, I think 6 months would be enough. In fact, during the period, you are under assessment na, tinitignan ang performance mo and on the basis of your performance, they will decide to continue hiring you and make you a regular employee,” ani Bello.
Ayon kay Bello, nirerespeto nila ang panukala ni Singson subalit masyadong mahaba ang dalawang taon na maaaring maabuso ng mga pasaway na employer.
Masyadong mahaba na itong 2 years, kasi ‘yung masamang patakaran ng ibang pasaway na employer na para hindi ka maging regular ang ginagawa nila bago mo abutin ‘yung 6 months, e, iteterminate ka, pero after interval of 1 or 2 months ire-rehire ka na naman,” ani Bello. — sa panayam ng Ratsada Balita