Sinimulan na ngayong araw ang 6-day gun ban sa Metro Manila bilang paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo a-30.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), epektibo ang gun ban hanggang July 2 para mapigilan ang mga pagbabanta sa gaganaping inagurasyon.
Sa ngayon, nangangalap pa ang ahensya ng impormasyon at plano para sa guidelines ng pagpapatupad ng gun ban, kabilang na ang rerouting at traffic plans.
Magkakaron din bukas ng interagency press conference upang pag-aralan ang mga guidelines para sa paghahanda sa oath-taking ng bagong pangulo.