Tig-iisang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa kalahatian o unang anim na buwan ng taong 2016.
Ito ang ibinabala ng PAGASA bunsod na rin ng inaasahang pagtindi ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja, inaasahang tig-iisang bagyo ang papasok sa bansa mula Enero hanggang Abril.
Habang posibleng isa o dalawang bagyo naman ang pumasok pagsapit ng Mayo at Hunyo ng taong ito
Gayunman, binigyang diin ni Estareja na bagama’t kakaunti lamang ang mga inaasahang bagyo na papasok sa bansa, posible aniyang mas malalakas ito kaysa sa inaasahan.
Kaya’t payo ng PAGASA sa publiko, huwag magpaka-kampante at magingh laging handa sa pagdating ng mga pinangangambahang kalamidad.
By: Jaymark Dagala