7 labi ang narekober sa nagpapatuloy na rescue operations sa naganap na landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao De Oro.
Batay sa huling ulat ng Maco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kahapon, aabot sa 31 katao ang sugatan habang 48 ang nananatiling nawawala.
Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, aabot sa 758 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Matatandaang nailigtas ng rescue teams ang 45 biktima mula sa 86 na empleyado ng APEX mining, na inisyal na iniulat na na-trap ng landslide.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue operation ng ilang government agency at rescue teams sa naturang probinsya.