Anim na barangay na sa Caloocan City ang idineklarang ‘drug-free’.
Ang mga ito ay ang Barangay 13, 44, 48, 96 at 103 habang noong Marso nauna nang idineklarang ‘drug-free’ ang Barangay 61.
Bilang pagkilala, binigyan ng mga certificate na nilagdaan ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA – NCR) Director na si Wilkins Villanueva, ang mga nasabing lugar.
Iginawad ang mga certificate mahigit isang linggo matapos ang anti-criminality campaign ng Caloocan City Police Community Precinct 7 sa Barangay 160 na nagresulta sa pagkakapatay sa 17 na si Kian Loyd Delos Santos noong Agosto 16.
Sa kabila nito, 182 pang barangay ang hindi pa rin nalilinis sa iligal na droga sa Caloocan City.
_____