Idineklara nang ‘drug free’ ang anim na barangay sa Pasay City.
Ayon kay Pasay City mayor Emi Calixto-Rubiano, kinabibilangan ito ng barangay 38, 88, 96, 112, 155, at barangay 163 na ginawaran ng certificates matapos masugpo ang problema sa drug users at dealers.
Sa ilalim ng drug abuse resistance education program, imo-monitor ng; Pasay City anti-drug abuse council, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) , Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH) ang drug-free barangays para siguruhing mapapanatili ang matagumpay na laban kontra droga.
Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay na nasa 7 na lamang.—sa panulat ni Abby Malanday