Nagpositibo sa Red tide toxin ang anim na baybayin sa Pilipinas.
Sa latest bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sakop ng shellfish ban ang:
• mga baybayin ng Bolinao, Pangasinan;
• Milagros, Masbate;
• Dauis at Tagbilaran sa Bohol;
• Damanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;
• Litalit Bay sa San Benito, Surigao del Norte;
• at Lianga Bay, Surigao del Sur.
Pinag-iingat ang lahat ng residente sa nabanggit na lugar sa paghango at pagkain ng lamang-dagat na apektado ng Red tide toxin.
Gayunman, kung hindi mapipigilan, hugasan na lang mabuti at tanggalan ng lamang loob ang mga mahuhuling Isda, Hipon, Alimango at Pusit.