Sinibak ang anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.
Kabilang sa mga sinibak sina District Collector Maritess Theodossis Martin, Deputy Collector for Assessment Maita Sering Acevedo, Deputy Collector for Operations Giovannie Ferdinand Aguillon Leynes.
Bukod pa ito kina Belinda Fernando Lim – Chief, Assessment Division, Vincent Mark Solamin Malasmas – Commander ng Enforcement Security Service at Justice Roman Silvoza Geli – Ciis Supervisor.
Ayon kay acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ang mga nasabing opisyal ay pansamantalang inilipat sa Office of the Commissioner habang iniimbestigahan pa ang umano’y smuggling ng asukal mula sa Thailand.
Una nang lumabas sa imbestigasyon ng BOC – Customs Intelligence and Investigation Service na ang imported sugar ay gumamit ng recycled permit o import permit na nagamit na sa mga nakalipas na inangkat na asukal.
Magugunitang ibinabala ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na mananagot ang sinuman sa customs kapag napatunayang nakipagsabwatan ang mga tauhan at opisyal ng BOC sa smugglers gamit ang recycled sugar import permits.