Anim na atleta ang isasabak ng Association of Boxing Alliances in the Philippines sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Ayon kay National Boxing Coach Elmer Pamisa, marami pang miyembro ng national team na may tsansang makapasok sa nasabing quadrennial event matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo, Japan noong Hulyo.
Kabilang anya sa mga ito sina Eljay Pamisa, Jericho Acaylar, Mark Christian Laurence at Marvin Tabamo.
Sa nakaraang Tokyo Olympics ay sumikwat sina Featherweight Nesthy Petecio at Flyweight Carlo Paalam ng silver medal habang may bronze si Middleweight Eumir Felix Marcial.
Kumpiyansa naman si pamisa na may iba pang tubong Cagayan De Oro na makakalaro sa 2024 Paris Olympics bukod kay Paalam. —sa panulat ni Drew Nacino