Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Uuse Authorization (EUA) ng anim na COVID-19 vaccines bilang pangalawang booster shot.
Ayon kay Dr. Myrna Cabotaje, Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chairperson, kabilang sa mga inaprubahang bakuna ay ang Pfizer, Moderna, Sinovac, Astrazeneca, Sputnik Light at Janssen.
Aniya, handa na ang guidelines para sa roll out nito at hinihintay na lamang ang pinal na rekomendasyon ng Health and Technology Assessment Council (HTAC).
Inaasahang masisimulan na sa susunod na linggo ang pagtuturok ng ikalawang booster shot, kung saan prayoridad dito ang healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.