Kinuha ng DSWD at Land Bank of the Philippines ang serbisyo ng anim na financial service providers para pabilisin ang pagpapalabas ng ikalawang tranche ng social amelioration program (SAP) sa pamamagitan ng digital payments scheme.
Kasunod na rin ito nang nilagdaang memorandum of agreement ng DSWD at Landbank sa Starpay Corporation, G-Exchange Incorporated, Pay Maya Philippines Incorporated, RCBC, Robinsons Bank Corporation at Union Bank of the Philippines.
Pangangasiwaan ng Landbank at magpapatupad ng pag-credit ng emergency subsidy sa mga beneficiary sa kani-kanilang account sa iba pang financial institutions sa pamamagitan ng electronic fund transfer gamit ang pesonet at instapay base na rin sa direktiba at payroll documents na ibibigay ng DSWD sa loob ng 24 oras.