Kinasuhan na ng Albuera police sa Leyte ang anim na public officials na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa nasabing bayan
Kabilang sa mga kinasuhan ayon kay Albuera police head chief inspector Jovie Espenido ang isang prosecutor, tatlong barangay chairmen, isang municipal Councillor at miyembro ng BJMP
Sinabi ni Espenido na ibinase nila ang pagsasampa ng kaso sa laman ng booklet na narekober nila mula kay Albuera Mayor Rolando Espinosa na una nang inaresto dahil sa illegal drugs trade
Inihahanda na rin aniya nila ang reklamo laban sa iba pang matataas na opisyal ng gobyerno na nakasulat din sa iba pang mga dokumentong nakuha nila mula kay Mayor Espinosa
Kasabay nito ipinabatid ni Espenido na inindorso niya na rin ang internal investigation laban sa 22 pulis na hinihinalang sangkot din sa operasyon ng iligal na droga
By: Judith Larino