Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang anim (6) na illegal alien sa magkakahiwalay na operasyon sa Mindanao.
Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, ikinasa ang operasyon matapos na makatanggap ng ulat ukol sa naturang mga iligal na dayuhan.
Kasama sa naaresto ang chinese na si Tony Co sa Cagayan de Oro na sinasabing walong (8) taon nang overstaying sa bansa.
Dinakip din ang isang Korean national na si Kim Yoonsig na kabilang naman sa blacklist ng BI.
Mayroon ding naarestong isang Amerikano, isang Sri Lankan at dalawang Indonesian na walang maipakitang kaukulang papeles.
Kasalukuyang na sa immigration detention facility sa Davao City ang mga dayuhan habang hinihintay ang deportation proceedings sa kanila.