6 na indibidwal ang nagtamo ng paso sa katawan matapos mahulugan ng sinunog na effigy sa Dussehra, India.
Ang pagsunog sa effigy ni Ravana na isang demon king sa hindu mythology ay bahagi ng selebrasyon na ang pinagdiriwang ay ang pagkakagapi ni Lord Rama kay Ravana na simbolo ng pananaig ng kabutihan.
Batay sa ulat ng mga otoridad, matapos matupok ang ikalawang effigy ay nilapitan pa umano ng mga tao ang naunang effigy na sinunog.
Ilang saglit pa, bumagsak sa mga tao ang dalawang effigy at nagkaroon naman ng pasabog mula sa isa pa.
Wala namang napaulat na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. - sa panunulat ni Hannah Oledan