Anim na inmate ang patay habang mahigit dalawampu (20) pa ang sugatan nang sumiklab ang kaguluhan sa isang bilangguan sa Bolivia.
Ayon sa report, hinalughog ng may dalawanlibong (2,000) pulis ang loob ng Palmasola kung saan nasabat ang mga armas, alak, cocaine, marijuana at iba pang ipinagbabawal na bagay.
Sinasabing nanlaban ang marami sa preso na naging sanhi ng kaguluhan at ikinasugat din ng anim na pulis matapos na barilin ng mga inmate.
—-