Nabunyag na may anim (6) pang kaso ng pangingidnap sa Tondo at iba pang lugar sa Maynila na posibleng konektado sa tokhang for ransom na raket di umano ng ilang pulis.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, napag alaman nya ito kay Teresita Ang See, lider ng MRPO o Movement for Restoration of Peace and Order na bumisita sa kanya makaraang marinig ang kwento hinggil sa kaibigan nyang biktima rin ng tokhang for ransom.
Dahil dito, sinabi ni Lacson na isa si Ang-See sa kanyang inimbitahan na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order na kanyang pinamumunuan sa susunod na linggo.
Nakasaad sa resolusyon ni Lacson na sa harap ng mga batikos na tinatanggap ng PNP sa pagpapatupad ng kanilang oplan tokhang laban sa illegal drugs, dapat ay kamay na bakal ang ipatupad ng liderato sa mga pulis na nasasangkot sa mga raket na nakakasira sa kredibilidad ng kanilang kampanya kontra droga.
By: Len Aguirre