Patay ang anim katao dahil sa malakas na hangin na nanalasa sa Northern at Central Europe.
Mula sa mga bansang Poland , Czech Republic at Germany ang mga naitalang nasawi.
Nabatid na nabagsakan ng puno ang mga biktima na mula sa Poland at Czech.
Dahil rin sa storm surge, libu-libong residente ng dalawang bansa ang nawalan ng suplay ng kuryente habang sa Germany naman ay sinuspinde na ang rail traffic sa maraming ruta nito.