Nanganganib na matanggal sa trabaho ang 6 na kawani ng MMDA o Metro Manila Development Authority, kabilang ang kanilang Building Manager, matapos masunog ang ikaapat na palapag ng kanilang gusali sa Orense, Makati, noong Biyernes.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, kanilang inaalam kung bakit pinayagan ng mga ito ang pagkakaroon ng lutuan malapit sa opisinang ginagamit ng Commission on Audit at kung bakit hindi nasunod ng mga tauhan ang emergency protocol.
Binigyan na ng clearance ng Bureau of Fire Protection o BFP ang muling paggamit sa nasunog na opisina noong Huwebes, Enero 19.
By: Katrina Valle / Allan Francisco