Anim (6) na kumpanya ang nag – aalok sa gobyerno para linangin ang main battle area ng Marawi City.
Ang mga naturang alok, ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chair Eduardo del Rosario ay pumapalo sa P38-B hanggang P86-B.
Sinabi ni Del Rosario na pipili sila ng kumpanyang magbibigay ng aniya’y ‘best proposal’.
Maghahanap din aniya sila ng ibang partido na mayroong mas magandang alok para mapili ng gobyerno ang pinakamagandang offer.
Posible aniyang sa Abril o Mayo ng susunod na taon sisimulan ang rehabilitasyon ng Marawi City na limang (5) buwang sinira ng bakbakan ng mga sundalo at Maute group.