Kinilala na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang anim na lugar na positibo sa red tide.
Sa abisong inilabas nitong Huwebes, kinabibilangan ito ng mga lugar ng;
- coastal waters ng Milagros sa Masbate
- coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
- Dumaquillas Bay sa Zamboanga Del Sur
- Litalit Bay, San Benito, sa Surigao del Norte
- Lianga Bay sa Surigao del Sur
- at coastal waters ng Bolinao sa Pangasinan
Lahat ng pagkaing dagat na makukuha sa nasabing lugar ay hindi ligtas na kainin. — sa panulat ni Abby Malanday