Nagpositibo sa Paralytic shellfish poison o Red tide ang anim na lugar sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga:
- coastal waters ng Bolinao, Pangasinan;
- coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;
- coastal waters ng Milagros, Masbate;
- Litalit Bay, San Benito, Surigao del Norte;
- Lianga Bay in Surigao del Sur
Anila, hindi ligtas na kainin ng tao ang anumang uri ng shellfish at maliliit na hipon o alamang na makukuha sa mga nabanggit na lugar.
Pero nilinaw ng ahensya na nananatiling ligtas ang ilang lamang dagat gaya ng isda, pusit, hipon, at alimango basta’t husagan maigi at tanggalin ang mga laman loob.