Ibinaba na sa alert level 2 mula sa alert level 4 ang anim na lalawigan sa Bicol region dahil sa bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH-Bicol Center for Health Development, kahit nasa alert level 2 na ang Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes ay nananatili pa rin na nasa high risk at nasa alert level 4 status ang Legazpi City sa Albay at Iriga City sa Camarines Sur dahil sa mataas na bilang ng naitatalang kaso kada araw.
Inilagay naman sa moderate risk ang Naga City sa Camarines Sur at Sorsogon City sa Sorsogon habang low risk na ang Ligao City at Tabaco City sa Albay at Masbate City sa Masbate.
Sa ngayon ay umabot na sa 39,234 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico