Anim na lugar sa Pilipinas ang nakitaan ng pagdami ng mga pasyenteng dinadala sa ospital dahil sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat sa mga ito ay nagmula sa National Capital Region, isa sa CALABARZON at isa sa Northern Mindanao.
Maaaring mai-ugnay ang pagtaas sa ilang factor tulad ng pag-unti ng COVID beds at late advice na positibo na sa COVID-19 ang isang indibidwal, kahit ini-admit ito sa ospital na iba ang sakit.
Pero sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na handa sila sakaling mapuno muli ang mga ospital dahil ganito rin ang naranasan ng bansa noong nakalipas na taon.
Sa datos ng DOH nitong Lunes, 555 severe at critical cases ng COVID-19 ang naka-admit sa ospital.
Habang 385 o 14.6% ng 2, 636 ICU beds ang ginagamit, at 4, 033 o 18.2% ng 22 156 Non-ICU COVID-19 beds ang okupado.