Ibinabala ng Department of Health o DOH na posibleng hindi na maawat pa ang pagkalat ng sakit na HIV sa 6 na lungsod sa bansa.
Ayon kay Dr. Jose Belimac, Program Manager ng National HIV/STI Prevention Program ng DOH, ito’y kung patuloy na magwawalang bahala ang publiko sa pagsugpo sa nasabing sakit.
Partikular na tinukoy ng DOH ang mga lungsod ng Quezon, Maynila, Caloocan, Cebu, Davao at Cagayan de Oro na mga lungsod na may pinakamataas na kaso ng mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Iginiit pa ni Dr. Belimac na ayon sa World Health Organization o WHO, kapag lumagpas na ng 5 porsyento ang bilang ng mga nagkakasakit ng HIV sa loob ng dalawang taon, mahihirapan na ang gobyerno na sugpuin ito.
By Jaymark Dagala