Winasak ng mga tauhan ng Bureau of Custom (BOC) ang anim na makina na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng smuggled products partikular na ang mga pekeng sigarilyo Porac, Pampanga.
Ayon sa BOC, dinala sa Greenleaf 88 waste disposal and management facility sa Barangay Mitla ng nabanggit na probinsya ang mga nakumpiskang makina kasama ng ilan pang smuggled items kabilang na ang 15 rolyo ng white paper, 400 rolyo ng plastic wrap, sampung rolyo ng Philip Morris Philippines Manufacturing Inc. Tape at pitong rolyo pa ng mighty tape.
Paglabag sa sections 118 (g), 224 at 1113 ng Customs Modernization And Tariff Act na may kaugnayan sa articles IV at V ng Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products Series of 2005 ang mga sangkot sa paggawa ng mga pekeng smuggled products.—sa panulat ni Angelica Doctolero