Patay ang anim na manggagawa habang 23 pa ang kritikal ngayon sa ospital matapos makalanghap ng usok sa isang gas leak sa Surat, India.
Sa imbestigasyon ng mga pulis at bumbero, isang suspek ang nagtapon ng kemikal malapit sa isang mill house na pinagtatrabahuhan ng mga biktima.
Matapos makalanghap ng usok mula sa itinapong kemikal ay dito na nanikip ang dibdib saka nawalan ng malay ang mga manggagawa.
Ayon kay Senior Police Official Sharad Singhal, patuloy pa nilang iniimbestigahan ang naganap na insidente.—sa panulat ni Angelica Doctolero