Nasagip ng korean foreign vessel ang anim na pilipinong mangigisda na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.
Base sa ulat, na-rescue ng KSL Seoul Carrier ang mga mangingisda nang mapadaan ito sa lalawigan kahapon ng gabi.
Kinilala ang mga pinoy fishermen na sina Rodrigo Lungay, Gerry Guzman, Efepanio Balete, Arturo Egang, Dunio Delgado, at Mario Lungay.
Ayon sa mga mangingisda, lumubog ang kanilang barko matapos na bumangga sa isa pang vessel sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Agad naman silang dinala sa Cabral Island para pormal na iturn-over sa Philippine Coast Guard.