Patay ang anim (6) na miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang walong (8) iba pa ang sugatan matapos ang bakbakan ng nasabing rebeldeng grupo at militar sa Pigcawayan, Cotabato.
Ayon kay Philippine Army 602nd Brigade Spokesperson Captain Napoleon Alcarioto, nakabatay ang nasabing bilang sa kwento ng mga nailigtas na sibilyan matapos na ma-hostage ng mga rebelde sa Malagakit Elementary School.
Aniya, nakita ng mga sibilyan nang isakay ng ibang miyembro ng BIFF sa isang motorized banca papuntang Liguasan Marsh ang mga bangkay ng kanilang mga kasamahan.
Bukod dito, sinabi rin ni Alcorioto na may mga nakitang bakas ng dugo sa Malakagit Elementary School na tiyak na mula sa mga nasawi at sugatang BIFF member.
By Krista De Dios