Sumuko ang anim na miyembro ng NPA o New People’s Army kasabay ng paggunita ng ika-45 anibersaryo ng martial law declaration noong Huwebes, Setyembre 21.
Ayon kay Captain Frederico Morales, chief ng Philippine Army Civil Military Operation at spokesman ng 803rd Infantry Brigade, kasamang isinuko ng mga rebelde ang mga de kalibreng baril nito.
Tumanggi naman si Morales na pangalanan ang mga sumukong rebelde na mula sa iba’t ibang munisipyo ng Northern Samar para sa kaligtasan ng mga ito.
Nabatid na kusang sumuko ang mga dating miyembro ng New People’s Army dahil na rin umano sa hirap ng buhay sa kabundukan.