Nailipat na sa Quezon City Housing project number 17 ang 6 sa 25 pamilya naapektuhan ng landslide sa Barangay Payatas noong weekend.
Ito ang inihayag ni Q.C. Mayor Joy Belmonte kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na pagpapaabot ng tulong sa lahat ng pamilya naapektuhan at nawalan ng tahanan dahil sa landslide.
Dagdag ni Belmonte, pagkakalooban din nila ng tulong pinansiya ang mga naturang pamilya para sa pagpapakabit ng mga kinakailangang utilities sa nilipatang lugar.
Samantala, sinabi ni Atty. Jojo Conejero, Acting Assistant head ng Housing, Community Development and Resettlement Department, nakikipag-ugnayan na ang Q.C LGU sa National Housing Authority para sa relokasyon ng nalalabi pang pamilyang naapektuhan ng landslide.
Sa kasalukuyan idineklara na ng Q.C. Disaster Risk Reduction and Management Office bilang danger zone ang lugar.