Anim na pasahero ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa libreng random antigen test.
Isinagawa ang test sa 48 pasahero sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue stations, kahapon.
Hindi pinasakay ng tren ang mga nagpositibo at inabisuhang mag-isolate at tawagan ang kani-kanilang local government units.
Mula naman sa 753 sumailalim sa RT-PCR test, nasa 147 empleyado na ng MRT-3 ang COVID-19 positive at pawang naka-home quarantine o nasa quarantine facility.
Samantala, aminado si MRT-3 Director for Operations Michael Capati na nalagasan sila ng mga biyahero o bumaba sa 140,000 mula sa 200,000 kada araw dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Napilitan anya ang mga pasaherong mag-self-isolate o umiwas sa non-essential travel.