Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police o PNP Maritime Group ang 6 na student pilot na sakay ng bumagsak na trainer aircraft sa karagatang sakop ng Iba, Zambales.
Batay sa ulat ni P/Col. Fernando Cunanan, Commander ng Regional Maritime Unit 3 kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, nasagip ang mga biktima may 500 metro mula sa baybayin ng Brgy. Sto. Rosario.
Kinilala ang mga nasagip Capt. Mel Bidayan, Capt. Robin Austria, Capt. Aldrich Sagario, Capt. James Reamon, Capt. John Mitchel Agdamag at Capt. Vian Luiz.
Pawang nagtamo ng minor injuries ang mga nasagip at agad dinala sa President Ramon Magsaysay Provincial Hospital at nagpapagaling na.
Sa paunang imbestigasyon ng Zambales PNP, sinabi ng Pilot in Command na si Capt. Mel Bidayan na mechanical problem ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
- ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)