Kinumpirma ng Department of Foreign of Affairs (DFA) ang ligtas na pagdating ng anim na Pilipino sa Republic of Moldova mula sa Ukraine.
Kabilang sa mga nasabing Pinoy ayon sa DFA ang isang 4th year medical student sa Bukvinian State Medical University, dalawang kasal sa Ukrainian nationals kung saan ang isa ay nag biyahe kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki sa Moldovan border.
Ipinabatid ng Dfa na nagtulong sina assistance nina Consul Victor Gaina ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinaum, Moldova at Philippine Embassy sa Budapest sa pangunguna ni Ambassador Frank Cimafranca para matiyak ang ligtas na pagdating sa nasabing bansa ng anim na Pilipino
Sinabi ng DFA na si Consul Gaina ang nag asikaso ng mga kinakailangang dokumento ng mga naturang pinoy para makakuha ng E-visas at tuluyang makapasok sa Moldova.
Inaasikaso na rin ng mga tauhan ng gobyerno ang pagdadala sa apat sa Romania kung saan manggagaling ang repatriation flight pa Maynila.
Nakatawid na rin umano ng Moldovan border ang dalawa pang Pinoy na nagta trabaho sa isang international organization.
Pictures courtesy to: V. Gaina