Anim na pilipino sa Ukraine ang pinauwi sa gitna ng mga ulat ng posibleng pagsalakay ng Russia.
Sa isang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, na dumating sa NAIA terminal 3 ang eroplanong lulan ng mga Filipino National.
Dagdag pa ni Arriola, na apat sa anim na bumalik na Pilipino ang sumakay sa kanilang mga flight mula sa Kyiv habang ang dalawa pa ay lumipad mula sa Lviv.
Samantala, humigit-kumulang 380 na Pilipino ang naninirahan sa Ukraine, karamihan sa kanila ay nasa Kyiv at matatagpuan malayo sa silangang hangganan malapit sa Russia. —sa panulat ni Kim Gomez