Anim na Pilipino pa ang inilikas mula sa Tripoli, Libya dahil sa patuloy na tensyon sa lugar.
Ipinabatid ni Charge De Affaires Elmer Cato na ang mga naturang Pilipino ay patungo na sa Tunis, Tunisia kung saan sila sasakay ng flight pauwi ng Pilipinas.
Nasa kabuuang 40 Pinoy na ang inilikas mula sa Libya kung saan nasa alert level 4 na ang sitwasyon na nangangahulugan nang pagpapatupad ng mandatory evacuation sa mahigit kumulang 1,000 Pinoy sa nasabing lugar.