Tinamaan ng power interruptions ang 6 na probinsiya sa bansa bunsod ng pananalasa ng bagyong Nona sa Eastern Visayas.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, kabilang sa mga apektado ay ang Bicol, Camarines Norte, Samar, Eastern Samar, Northern Samar at Sorsogon.
Sa Sorsogon, nagkaroon ng power outages sa mga bayan ng Bulan, Matnog, Sta. Magdalena, Irosin, Bulusan, Juban, Casiguran, Magallanes, Gubat, Prieto Diaz, Barcelona, Pilar, Castilla, Donsol at Bacon.
Nakaranas din ng brownouts ang ilang bayan sa Bicol gaya ng Camalig, Guinobatan, Jovellar, Ligao, Pioduran, Oas, Polangui at Libon.
By Jelbert Perdez